Acting police chief patay sa ambush
MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang acting chief of police nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng isang motorsiklo sa naganap na ambush kahapon ng umaga sa Cordova, Cebu.
Ang nasawi ay kinilalang si P/Master Sergeant Deogenes Carillo, acting deputy chief of police ng Cordova Municipal Police Station (MPS).
Sa ulat na nakarating kay P/Lt. Col. Eleveo Marquez, hepe ng Cebu Provincial Investigation and Detective Management Branch, bago naganap ang ambush pasado alas-10:00 ng umaga sa kahabaan ng Barangay Poblacion ay lulan ang biktima ng kaniyang behikulo pauwi na sa kanilang bahay sa Brgy. Punta Engano sa Lapu-Lapu City, Cebu nang harangin ng dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo.
Dito ay bumunot ng baril ang mga suspek at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mga biktima na noon ay nasawi.
Nang masigurong patay na ang biktima ay mabilis na nagsitakas ang mga suspek sa hindi pa malamang destinasyon.
Inaalam ng pulisya kung may kaugnayan ang lending business ng biktima sa pagpatay sa kanya at dagdag pang ulat na sangkot din ito sa illegal drugs na masusing bineberipika ng mga otoridad.
- Latest