^

Police Metro

Bihag na Cafgu, pinugutan ng NPA

Gemma Garcia - Pang-masa
Bihag na Cafgu, pinugutan ng NPA
Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang ma­tagpuan ng mga sundalo na nagsasagawa ng hot pursuit operation ang na­aagnas ng bangkay ni Badiang na tanggal ang ulo sa katawan sa bisinidad ng Mahawan, Sitio Banahao, Brgy. Maitum, Tandag City.
Noel Celis/AFP

MANILA, Philippines — Isang miyembro ng Cafgu na bihag ng teroristang New People’s Army (NPA) ang pinugutan kahapon ng umaga sa Tago, Surigao del Sur.

Kinilala ng 36th In­fantry Battalion ng Phi­lippine Army (PA) ang biktima na si Ryard Ba­diang, residente ng Sitio Ibuan, Brgy Mampi, Lanuza, Surigao del Sur na iniulat na kinidnap ng Communist NPA Terro­rist (CNTs) noong  Mayo 30, 2019.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang ma­tagpuan ng mga sundalo na nagsasagawa ng hot pursuit operation ang na­aagnas ng bangkay ni Badiang na tanggal ang ulo sa katawan sa bisinidad ng Mahawan, Sitio Banahao, Brgy. Maitum, Tandag City.

Nabatid na ang pa­milya ng biktima ay uma­apela sa CNTs sa pamamagitan ng radio interview at lokal media para palayain si Ryard na isa umanong miyembro ng Cafgu at off duty nang dukutin.

Nanawagan naman­ si Lt. Col. Trinidad, commanding officer ng 36th IB sa provincial at local­ government na ak­syu­nan­ at kondenahin ang ginawang terorismo ng grupo kasabay ng paghamon sa lahat ng human rights advocate na imbestigahan ang nasabing insidente.

CAFGU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->