^

Police Metro

Mga opisyales ng KAPA bantay sarado

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Mga opisyales ng KAPA bantay sarado
Magugunita na una nang sinalakay ng National Bureau of Investigation at Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mga tanggapan ng Kapa sa buong bansa kasunod ng utos ni Pangulong ­Rodrigo Duterte na ipasara ang operasyon ng Kabus Padatoon o Kapa Ministry International sa iba’t ibang lugar sa bansa.
KAPA Community FB Page

MANILA, Philippines — Ipinag-utos kahapon ni Justice Secretary Me­nardo Guevarra sa Bureau of Immigration (BI) na bantayang maigi ang mga paliparan at pantalan sa buong bansa upang hindi makalabas ang mga opis­yal ng Kapa-Community Ministry International na sangkot investment scam.

Magugunita na una nang sinalakay ng National Bureau of Investigation at Criminal Investigation  and Detection Group (CIDG) ang mga tanggapan ng Kapa sa buong bansa kasunod ng utos ni Pangulong ­Rodrigo Duterte na ipasara ang operasyon ng Kabus Padatoon o Kapa Ministry International sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ilan sa pinasok ng mga otoridad ang bahay ni Kapa Founder Pastor Joel Apolinario sa General Santos City gayundin ang mga tanggapan ng Kapa sa Rizal, Tagum at iba pa.

Una nang nag-isyu ang Securities and Exchange Commission ng cease and desist order dahil sa pag ooperate ng kumpanya ng walang lisensya mula sa SEC.

Sa kabila nito ay nagpatuloy pa rin sa operasyon ang Kapa at pagtanggap ng investment o donasyon para sa kumpanya kapalit ang hindi bababa sa 30 porsyentong tubo o tinawag nilang blessing.

ME­NARDO GUEVARRA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->