Independence Day celebration walang terror threat - PNP
MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na wala silang namomonitor na anumang banta o terror threat kaugnay sa gaganaping pagdiriwang ngayong araw ng ika-121 paggunita ng Independence Day.
Ito ang sinabi ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, pero mahigpit na bibigyang seguridad at titiyakin din ng kapulisan ang kaligtasan ng publiko sa lahat ng mga lugar na pagdarausan ng selebrasyon sa nasabing okasyon.
Inihayag ni Banac na magpapakalat ang PNP ng sapat na bilang ng mga tauhan nito at maging ang mga Civil Disturbance Management upang tumugon sakaling magkaroon ng mga kilos protesta sa mga lugar na pagdarausan ng selebrasyon upang tiyakin ang peace and order.
- Latest