MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Health sa publiko na mag-ingat sa sakit na sore eyes na uso tuwing mainit ang panahon.
Kung sakali na magkaroon ng sore eyes ay pinayuhan ng DOH na huwag nang pumasok sa trabaho at manatili na lamang sa bahay upang hindi na makahawa pa.
Ayon kay Health undersecretary Eric Domingo, kalimitan naman aniyang gumagaling ng kusa ang sore eyes sa loob ng apat hanggang pitong araw.
Pero, hindi naiiwasang naipapasa ang virus dahil sa pagkikipagkamay na ihahawak naman sa mata.
Wala din namang katotohanan na nakukuha ito sa tingin na ang kailangan lang ng tamang paghuhugas ng kamay.
Mahalaga din ang kalinisan sa kapaligiran lalo nat karamihan sa mga Pilipino ay gumagamit ng computer at ballpen na nagkakaroon ng virus.