PNP: Bumaba ang election violence ng 55%

Sinabi ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, simula ­Enero 13 sa pagsisimula ng election period hanggang Hunyo 6, 2019 dakong alas-8:00 ng umaga ay nakapagtala ng 60 insidente ng ERIs ang kapulisan.
File

MANILA, Philippines — Inihayag ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na bumaba ng 55% ang insidente ng Election Related Incidents (ERIs) o mga karahasang may bahid na pulitika kaugnay ng ginanap na midterm elections sa bansa.

Sinabi ni PNP Spokesman Police Colonel Bernard Banac, simula ­Enero 13 sa pagsisimula ng election period hanggang Hunyo 6, 2019 dakong alas-8:00 ng umaga ay nakapagtala ng 60 insidente ng ERIs ang kapulisan.

Ang gun ban ay tatagal ng hanggang Hunyo 12 ng taong ito o matapos namang maiproklama na ang mga nagwaging kandidato.

Sa ginanap na midterm election ngayong 2019; nasa 85 ang biktima sa pre election; 16 katao sa mismong araw ng halalan at 12 naman sa post election o kabuuang 113 biktima na nasugatan at nasawi sa karahasang may kinalaman sa pulitika.

Sa nasabing bilang, 23 ang nasawi, 46 ang nasugatan at 44 naman ang nakaligtas.

Show comments