3 preso namatay sa kulungan

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station (MPS), dakong alas-6:00 ng umaga nang unang bawian ng buhay ang inmate na si Revillas matapos na mawalan ng malay tao sa loob ng kulungan kaya’t isinugod sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.
File

MANILA, Philippines — Nasawi ang tatlong preso matapos manikip ang dibdib at mahirapang huminga sa siksikang bilangguan sa lalawigan ng Rizal.

Ang tatlong nasawi ay kinilalang sina Rey Jean Revillas, na nahaharap sa kasong rape; Arnel Santos, na may kasong droga; at Albert Dela Cruz, 60, na may kasong kriminal.

Sa ulat ng Taytay Municipal Police Station (MPS), dakong alas-6:00 ng umaga nang unang bawian ng buhay ang inmate na si Revillas matapos na mawalan ng malay tao sa loob ng kulungan kaya’t isinugod sa ospital, subalit idineklarang dead on arrival.

Alas-9:15 ng umaga nang bawian din ng buhay si Santos, na nakaranas din ng paninikip ng dibdib at hirap sa paghinga kaya’t kinailangan itong isugod sa pagamutan ngunit namatay din habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor.

Ang inmate naman ng Antipolo City Police na si Dela Cruz, na dumaranas ng depresyon ay nakaranas din ng paninikip ng dibdib at hirap na paghinga kaya’t dinala rin sa ospital, ngunit idineklarang patay ng mga doktor dakong alas-9:15 ng gabi.

Show comments