^

Police Metro

120k pulis ipapakalat sa balik-eskwela

Mer Layson, Gemma Garcia - Pang-masa
120k pulis ipapakalat sa balik-eskwela
Ayon kay Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), handang-handa na sila sa pagbibigay ng seguridad sa mga mag-aaral na magbabalik eskwela nga­yong araw.
Michael Varcas

27.8M estudyante papasok…

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 120,000 mga pulis sa buong bansa ang ipapakalat ngayong unang araw kaugnay nang pagbubukas ng klase ngayong araw.

Ayon kay Col. Bernard Banac, tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), handang-handa na sila sa pagbibigay ng seguridad sa mga mag-aaral na magbabalik eskwela nga­yong araw.

Sa 120, 000 pulis na ipapakalat sa buong bansa ang 7,000 dito ay sa Metro Manila para magbantay sa mga paaralan at unibersidad.

Nilinaw naman ni Na­tional Capital Region Police Office (NCRPO) chief Guillermo Eleazar na magpapatrulya pa rin sa mga lansangan sa Metro Manila na patungong mga eskwelahan ang mga pulis.

Gayundin sa mga bus terminals, vital installation para magsagawa ng mga anti-criminality efforts para mabawasan o maiwasan ang mga posibleng mangyaring krimen na may kaugnayan sa pagbubukas ng klase.

Sa datos ng Department of Education (DepEd) tinatayang 27.8 milyon estud­yante sa buong bansa ang inaasahang magbabalik eskwela ngayong taon.

Idinagdag pa ni Elea­zar na makakatuwang nila  sa pagbabantay ang mga opisyal ng barangay para sa pagpapanatili ng ma­ayos na daloy ng trapiko sa paligid ng mga eskwe­lahan.

Bagamat wala naman umanong natatanggap na banta sa seguridad ng mga mag-aaral ang pu­lisya ay mananatili pa ring alerto laban sa mga magnanakaw o masasamang loob na mambibiktima ng mga estudyante.

Pinaalalahanan naman ni Banac ang mga magulang na huwag hayaang magdala ng mamahaling gadgets ang kanilang mga anak para hindi mabiktima ng mga kriminal.

Nakaalerto rin umano ang mga pulis laban sa paglaganap ng ilegal na droga sa mga paaralan dahil sa madaling mahikayat na gumamit nito ang mga estudyante partikular na sa high school students at party drugs naman sa mga college students.

BALIK-ESKWELA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with