MANILA, Philippines — Habambuhay na pagkabilanggo ang ipinataw na sentensiya ni QC Regional Trial Court Branch 79 Judge Nadie Jessica Corazon Fama sa anak ng napaslang na Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., na si Parojinog Jr., matapos mapatunayang guilty sa kasong paglabag sa Section 11, Article 2 ng RA 9165 o Anti-Drugs Law noong 2017.
Bukod sa life sentence, inatasan din ni QC Presiding Judge Nadine Jessica Corazon Fama ng RTC Branch 79 ang akusadong si Parojinog, Jr. na magmulta ng halagang P500,000 kaugnay ng naging paglabag sa naturang batas.
Si Reynaldo Jr., ay nahuli kasama ng kanyang kapatid na si Ozamiz Vice Mayor Princess Nova Parojinog sa isang madugong operasyon sa bahay ng mga Parojinog sa Barangay Sta. Cruz, Ozamiz City Misamis Oriental at nadiskubre sa bahay ng mga ito ang shabu, P1.4 million cash at ibat ibang kalibre ng armas noong 2017.
Sa ruling ng QC court, pinatunayan ng prosecutor sa korte ang lahat ng elemento hinggil sa pagkakaroon ng mga akusado ng ipinagbabawal na gamot.