^

Police Metro

Parojinog Jr., kulong ng life sa droga

Angie dela Cruz - Pang-masa
Parojinog Jr., kulong ng life sa droga
Inieskortan ng mga otoridad si dating Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Eschavez (nakaputing sombrero) at ka­patid nitong si Reynaldo Parojinog Jr. (na naka-bullcap) na nahatulan ng QC RTC ng habambuhay na pagkakulong sa kasong droga nang dumating sa NAIA.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Habambuhay na pag­kabilanggo ang ipinataw na sentensiya ni QC Regional Trial Court Branch 79 Judge Nadie Jessica Corazon Fama sa anak ng napaslang na Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr., na si Parojinog Jr., matapos mapatunayang guilty sa kasong paglabag sa Section 11, Article 2 ng RA 9165 o Anti-Drugs Law noong 2017.

Bukod sa life sentence, inatasan din ni QC Presiding Judge Nadine Jessica Corazon Fama ng RTC Branch 79 ang akusadong si  Parojinog, Jr. na magmulta ng halagang P500,000 kaugnay ng naging paglabag sa naturang batas.

Si Reynaldo Jr., ay nahuli kasama ng kanyang kapatid na si  Ozamiz Vice Mayor Princess Nova Parojinog sa isang madugong operasyon  sa bahay ng mga Parojinog sa Barangay Sta. Cruz, Ozamiz City Misamis Oriental at nadiskubre  sa bahay ng mga ito ang shabu, P1.4 million cash at ibat ibang kalibre ng armas noong 2017.

Sa ruling ng QC court, pinatunayan ng prosecutor sa korte ang lahat ng ele­mento hinggil sa  pagkakaroon ng mga akusado ng ipinagbabawal na gamot.

REYNALDO PAROJINOG SR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with