Sigarilyo P100 per pack na

Ayon kay Gatcha-lian iba-iba ang panukalang increase pero kung maaprubahan ang P60.00 pagtaas sa tax ay aabot sa P100.00 ang bawat pake­te ng sigarilyo.
File Photo

MANILA, Philippines — Aabot sa halos P100.00 ang bawat pake­te­ ng sigarilyo kapag naaprubahan ang P60.00 increase na nakapaloob sa sin tax bill sa Senado.

Ito ang sinabi kaha­pon ni Senator Sherwin Gatchalian na nakatitiyak na papasa ang panukalang batas bago matapos ang kanilang sesyon sa Martes.

Ayon kay Gatcha-lian iba-iba ang panukalang increase pero kung maaprubahan ang P60.00 pagtaas sa tax ay aabot sa P100.00 ang bawat pake­te ng sigarilyo.

Idinagdag nito na si­nertipikahang ‘urgent’ ang panukala at posibleng pumasa na ito sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa Senado pagpasok nila sa Lunes.

Kung tatanggapin aniya ng House of Representatives ang ipapa­sang panukala ng Senado, mararatipikahan na agad ito sa Martes at maipapadala sa Malacañang.

Sinabi pa ni Gatcha­lian na mahalaga aniya ang panukala dahil layunin nilang mapababa ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa at makakalap ng pondo para sa Universal Health Care.

“Mahalaga itong batas na ito sa dalawang dahilan. Unang-una, gusto ho nating bumaba pa ang bilang ng mga naninigarilyo sa bansa natin dahil alam natin na ito ay sanhi ng maraming sakit tulad ng lung cancer at ang layunin nitong bill na ito ay mapababa up to 2 million smokers in the next four years. Pa­ngalawa, P40-billion ang makokolekta natin dito para sa Universal Health Care,” sabi ni Gatchalian.

Show comments