Filipino, Panitikan inalis na sa curriculum

Ayon sa SC, walang bagong inihain na plea­dings ang mga petitioner upang mabaligtad ang naunang desisyon.
File

MANILA, Philippines — Ang subject na Filipino at Panitikan (Phi­lippine Literature) ay maaari nang alisin sa kolehiyo.

Batay ito sa nakasaad sa pinal na limang pahinang resoluyon ng Korte Suprema kung saan ito rin ang kanilang desis­yon noong Oktubre 9, 2018.

Ayon sa SC, walang bagong inihain na plea­dings ang mga petitioner upang mabaligtad ang naunang desisyon.

Matatandaan na pina­boran ng SC ang memorandum order No. 20 ng Commission on Higher Education (CHEd) na ibaba sa 36 units ang general education (GE) curriculum at tanggalin na ang Filipino at Panitikan.

Kinuwestiyon ito ng Alyansa ng Mga Ta­gapagtanggol ng Wikang Filipino sa pagsasabing nakasaad sa Konstitusiyon na dapat na isama ang Filipino at Panitikan  subject sa curriculum at sa lahat ng antas.

Binigyan diin pa ng SC na sa pagbabawas ng subject, hindi naman ito makakaapekto sa academic freedom ng mga unibersidad at kolehiyo .

Dagdag pa ng SC ang K-12 law, ay maituturing na police power measure na maglalayong i-promote ang interes ng publiko sa pag-aaral at hindi na iilan lamang.

Show comments