MANILA, Philippines — Pinatalsik sa puwesto kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Director-General ng Food and Drug Administration (FDA) na si Nela Charade Puno.
Ang termination letter na may petsang May 15, 2019 ay binasa ni Presidential Spokesman Salvador Panelo at magiging epektibo agad ito sa sandaling matanggap ng opisyal ang utos ng Pangulo.
Sinabi ni Sec. Panelo na ang hakbang ng Pangulo ay may kaugnayan sa kampanya nito na linisin ang korapsyon sa pamahalaan para mapanatili ang tiwala ng publiko sa mga opisyal at tauhan ng gobyerno.
Inutasan ng Palasyo si Puno na i-turn-over ang lahat ng mga hawak na dokumento at mga kagamitan sa Department of Health.
Ang termination pa-per ay may lagda ni Exe-cutive Secretary Salvador Medialdea.
Tumanggi namang magbigay ng detalye si Panelo sa dahilan nang pagsibak kay Puno.