MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa 168.84 toneladang basura na campaign materials ang nakolekta kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula March 1 hanggang May 14 o isang araw matapos ang midterm elections.
Kabilang dito ang 21,700 piraso o 23.42 tonelada ng election-related campaign materials na nakolekta matapos ang midterm elections na hinakot ng pitong dump trucks.
Tinanggal ng mga MMDA workers ang mga nakadikit na election materials sa pader, bakod maging ang mga tarpaulins, buntings at poster na nakalagay sa poste ng kuryente at puno.
Bago ang elections, nasa 134,700 piraso o 145 tonelada ng election-rela-ted materials ang tinanggal sa iba’t ibang lugar sa MM sa ilalim ng Oplan Baklas dahil wala ang mga ito sa itinalagang lugar ng Commission on Elections.
Ayon naman kay MMDA Metro Parkway Clearing Group chief Francis Martinez na mas mababa pa rin ito kung ikukumpara sa nakuhang mga basura noong 2016 national elections na umaabot sa 206 tonelada.- Lordeth Bonilla-