MANILA, Philippines — Inalis na sa puwesto si Albay, Daraga Mayor Calrwyn Baldo at pinalitan na siya ng kanyang vice mayor na si Victor Perete na tumatakbo ring mayor ng nasabing bayan.
Pormal nang ipinatupad ni DILG Regional Director Anthony Nuyda ang rules of succession,base sa Local Goverment Code of 1991 o Republic Act 7160 kay Perete na uupo uli sa ikalawang pagkakataon bilang acting mayor.
Ang pagkakatalaga kay Perete bilang acting mayor ay nang sumuko si Baldo sa pulisya nang ipalabas ng korte ang warrant of arrest dito sa kasong murder at frustrated matapos itong ituro na utak sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Rodel Batocabe at sa kanyang security escort.