^

Police Metro

PRRC huhulihin ang nagtatapon ng wastewater sa Marikina River

Pang-masa

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ang Pasig River Rehabilitation Commission (PRRC) ng masusing imbestigasyon sa sinasabing ilegal na pagtapon ng wastewater sa Marikina River.

Ikinasa ang operasyon nang mai-tag ang mga opisyales ng PRRC sa Facebook viral video na ipinaskil ni Abdusalla Monakil, isang concerned netizen, kung saan makikitang nagdidiskarga ng kemikal na isang ebidensiya ng liquid waste pollution sa Marikina River.

Dahil pangunahing tributaryo ang Marikina River ng Pasig River, inatasan ni PRRC ­Executive Director Jose Antonio “Ka Pepeton” E. Goitia ang agarang imbestigasyon sa ilang mga establisimyento na hinihinalang sanhi ng polusyon sa ilog at para matiyak na rin kung sumusunod ang mga ito sa mga regulasyon.

“Gagawin namin ang lahat ng administratibo at legal na aksiyon upang matiyak nating maipasara ang lahat ng mga establisimyentong komersiyal at industriyal na sanhi ng polusyon sa ating mga ilog,” sabi ni Goitia.

PASIG RIVER REHABILITATION COMMISSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with