MANILA, Philippines — Ipinadama ng mga manggagawa ang pagmamahal nila kay dating Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., nang ipanalo nila ito sa isinagawa nilang mock election sa iba’t ibang bahagi ng bansa kamakailan.
Ang nasabing mock election na isinagawa ng Defend Job Philippines ay bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Paggawa na nilahukan ng mga manggagawa na nagmula sa iba’t ibang sektor na hindi tumitigil sa pagsigaw ng kani-kanilang kalagayan hinggil sa sitwasyon ng kanilang sahod.
Sa resulta ng kabuuang mock election na may petsang Pebrero 12 hanggang Mayo 4, 2019 at binubuo ng 7,774 respondents ay nakakuha ng 5,230 boto o 67.28% sa over-all ranking at nakuha ang ikatlong puwesto. Sa Cordillera Region na may 432 respondents ay nakakuha ng 232 boto si Revilla o 53.70% at nasa ikalimang puwesto; Sa La Union na may 334 respondents ay nakakuha si Revilla ng 202 boto o 60.48% at nasa ikalawang puwesto.Sa Ilocos Region na may 743 respondents ay nakakuha ito ng 605 boto o 81.43% at nasa unang puwesto; Laguna na may 1,176 respondents ay nakakuha ito ng 987 boto o 83.93% at nasa unang puwesto rin. Sa Cavite na may 1,077 respondents ay nakakuha ng 1,022 boto o 94.89 boto at nasa unang puwesto; Pangasinan na may 643 respondents ay ito ng 344 boto o 53.50% at nasa ikaanim na puwesto. Sa Central Luzon na may 879 respondents ay nakakuha ng 452 boto o 51.42% si Revilla na nasa ikalimang puwesto; Sa Rizal na may 350 respondents ay nakakuha ng 231 o 66% at nasa ikatlong puwesto.Sa Bicol Region na may 453 respondents ay nakakuha ng 301 boto o 66.45% at nasa ikatlong puwesto at sa Metro Manila na may 1,687 respondents ay ito ng 854 boto o 50,62% at nasa ikatlong puwesto.