4 obrero na gumagawa ng balon, nalunod
MANILA, Philippines — Nasawi ang apat na obrero makaraang aksidenteng malunod sa malalim na hukay sa balon na kinakabitan ng submersible water pump sa naganap na trahedya sa Sitio Ilaya, Brgy. Lawaan, New Washington, Aklan, kamakalawa.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Hermenio Bantang, nasa hustong gulang ng Numancia, Aklan; Darwin Cuesta, 56; Rene Felizardo, 42 at Jodel Felizardo, 47.
Sa ulat ng pulisya, bago nangyari ang insidente sa nabanggit na lugar bandang alas-11:00 ng umaga ay nasa proseso nang pagkakabit ng submersible water pump upang umangat ang tubig sa nasabing balon ay lumusong sa ibaba ang mga biktima na nabigo nang makaahon sa lalim na nasa 35 talampakan at 35 diyametro naman ang lapad.
Agad namang nagsagawa ng retrieval operation ang mga elemento ng PNP, Bureau of Fire Protection at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) para maiahon sa balon ang bangkay ng mga biktima.
- Latest