MANILA, Philippines — Sasampahan ng kasong kriminal ng Philippine National Police (PNP) ang may-ari ng Chuzon Supermarket na si Samuel Chu matapos bumagsak sa lindol ang kanyang supermarket na ikinasawi ng 15 katao.
Ayon kay PNP Chief Police Gen. Oscar Albayalde na ang utos ni Pangulong Duterte ay pansamantala munang isara ang lahat ng supermarket ni Chu sa buong lalawigan ng Pampanga.
Idinagdag pa ni Albayalde na hindi rin ligtas ang iba pang mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Pampanga kapag napatunayang may pagkakamali ang mga ito sa inaprubahang materyales na ginamit sa pagtatayo sa gusali alinsunod sa building code.
Related video: