Balik biyahe na ang MRT, LRT at PNR

Ito ang inihayag ni Transportation Sec.Arthur Tugade matapos niyang bigyan ang nasabing mga mass railway system ng go signal nang matiyak na pawang ‘fit for operations’ na ang mga ito.
File

MANILA, Philippines — Balik na sa normal na operasyon kahapon ang mga mass railway system sa bansa tulad ng Light Rail Transit Lines 1(LRT-­1) at 2 (LRT-2), Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3), at Philippine National Railways (PNR).

Ito ang inihayag ni Transportation Sec.Arthur Tugade matapos niyang bigyan ang nasabing mga mass railway system ng go signal nang matiyak na pawang ‘fit for operations’ na ang mga ito.

Matatandaan nitong dakong 5:11 ng Lunes ng hapon ay niyanig ng magnitude 6.1 na lindol, ang ilang bahagi ng Luzon, kabilang ang Metro Manila kaya’t itinigil ang biyahe ng mga nasabing tren upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.

Show comments