Magnitude 6.1 lindol tumama sa Luzon, 5 patay sa Pampanga

Ayon sa Phivolcs na ang epicente ng lindol ay sa Castillejos, Zambales na may lalim na 21 kilometro.
Philippine Information Agency - Gitnang Luzon

MANILA, Philippines — Isang magnitude 6.1 lindol ang tumama sa Luzon kahapon ng hapon dahilan kung kaya’t naglabasan ang mga tao sa kanilang mga gusali sa Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Inihayag ni Pampanga Governor Lilia Pineda na may limang katao ang nasawi sa bayan ng Porac.

Ayon sa Phivolcs na ang epicente ng lindol ay sa Castillejos, Zambales na may lalim na 21 kilometro.

Unang iniulat na magnitude 5.7 na itinaas ng Phivolcs sa magnitude 6.1.

Sinabi ni Phivolcs Director Renato Solidum na ang lindol ay maaaring nagsimula sa Manila Trench o ang fault line sa Zambales.

Naramdaman din ang lindol sa iba’t ibang lugar tulad: Intensity V - San Felipe, Zambales; Malolos at Obando, Bulacan; Quezon City; Lipa, Batangas; Manila City; Abucay, Bataan; Valenzuela City; Magalang, Pampanga

Intensity IV - Pasig City; Makati City; Caloocan City; Meycauayan at San Jose Del Monte, Bulacan; Flori­dablanca, Pampanga; Villasis, Pangasinan; Tagaytay City; Baguio City; Marikina City; Las Pinas City Intensity III - Dasmariñas, Indang at Gen. Trias, Cavite; Lucban, Quezon; Muntinlupa City, Cabanatuan City; Palayan City; Gapan City; Santo Domingo and Talavera, Nueva Ecija at Intensity II - Baler, Aurora.

“This earthquake is not a major earthquake but it’s a strong earthquake, but this is already far from Metro Manila but a little bit shallow so we can feel it,” wika ni Solidum.

Wala rin inilabas na no tsunami warning dahil ang epicenter ay sa lupa.

Inihayag din ng National Grid Corporation of the Philip­pines na naapektuhan ang ilang transmission facilities na naging dahilan ng pagkawala ng suplay ng kuryente.

Show comments