MANILA, Philippines — Hindi umano mangingimi si Pangulong Rodrigo Duterte na sibakin ang lahat ng opisyal ng Metropolitan Waterworks and Sewerage Systems (MWSS).
Ito ang naging banta si Pangulong Duterte sa lahat ng opisyales na umano ay nagpabaya sa kanilang trabaho na kung saan ay naranasan ang krisis ng tubig sa Metro Manila kahit wala pa ang El Niño at hindi rin napaghandaan ito gayung taun-taon itong nararanasan ng bansa
“This week I will be firing… Alam mo ‘yang MWSS. Alam mo, seasonal ‘yan eh. It comes with regularity ‘yang El Niño na ‘yan. P***** i**, ilang taon kayo nandiyan and you do not prepare for it?” inis na wika ng Pangulo sa campaign rally ng Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa Tuguegarao City kamakalawa ng gabi.
“Maraming Pilipino dito.Maraming engineer dito na galing sa labas na mas marunong. Hindi lang naka-kilala. There are millions of Filipinos waiting outside, more brighter than you, more smart Kaya lang hindi nakilala kasi hindi mga politiko. I will not hesitate to replace you all,” banta pa ng Pangulo.
Magugunita na pinagsusumite ng Pangulo ang MWSS ng report nitong April 10 dahil sa naranasang water shortage at ibabatay niya rito ang magiging desisyon nito.