Rotational brownout sa Mahal na Araw

Kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng rotational brownout ay ang Laguna, dahil sa pag-upgrade ng mga pasilidad ng Meralco sa San Francisco Road, sa Barangay San Francisco sa Biñan City, habang may line maintenance works naman sa Barangay Muzon sa Taytay, Rizal, kaya’t apektado rin ng rotational brownout ang Taytay at Angono, sa Abril 16 at 17.
Ernie Peñaredond

MANILA, Philippines — Inihayag ng Manila Electric Company na magkakaroon ng rata­tional brownout ngayong Mahal na Araw, bunsod na rin ang pagsasagawa ng mga tauhan ng Meralco ng kanilang maintenance works.

Magaganap ang rotational brownout sa ilang bahagi ng Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan simula bukas, Martes Santo, Abril 16, hanggang sa Sabado de Gloria, Abril 20.

Kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng rotational brownout ay ang Laguna, dahil sa pag-upgrade ng mga pasilidad ng Meralco sa San Francisco Road, sa Barangay San Francisco sa Biñan City, habang may line maintenance works naman sa Barangay Muzon sa Taytay, Rizal, kaya’t apektado rin ng rotational brownout ang Taytay at Angono, sa Abril 16 at 17.

Una nang sinabi ng Meralco na layunin nang pagdaraos nila ng maintenance works na mapaghusay ang kanilang serbisyo sa kanilang mga kostumer.

Show comments