MANILA, Philippines — Inaasahang ang muling pagtaas sa presyo ng petrolyo sa bansa ngayong darating na Linggo o Mahal na Araw.
Sa pagtataya ng mga eksperto sa industriya ng enerhiya, inaasahang magtataas ng P.90 sentimos ang kada litro ng gasolina habang P.60 sentimos kada litro naman ang iaakyat sa diesel.
Sa kabila ng pagtatayang ito, mas mataas na halaga ang nakatakdang idagdag ng kumpanyang Pilipinas Shell na unang naglabas ng anunsyo sa fuel price hike.
Sa kanilang anunsyo, P1.05 kada litro ang tataas sa kanilang gasolina, P.75 kada litro sa diesel at P.60 sentimos kada litro sa kerosene.