^

Police Metro

Joy Belmonte lamang sa latest survey

Mer Layson - Pang-masa
Joy Belmonte lamang sa latest survey

MANILA, Philippines — Lamang ng 26 por­syento si Vice Mayor Joy Belmonte kay Rep. Bingbong Crisologo sa pagka-alkalde ng Quezon City.

Ito ang lumabas sa pinaka-latest at non-commissioned survey sa National Capital Region (NCR) mayoralty race ng RP-Mission and Deve­lopment Foundation Inc. (RPMDinc) na isinagawa nitong Abril 1 hanggang Abril 8 ng taong kasalukuyan.

Sa 8,000 registered voters na tinanong ay nakakuha ng 62 percent si Belmonte habang si Crisologo ay 36 percent, samantalang si dating Congressman Chuck Mathay ay 1 percent.

Ayon kay Dr. Paul Martinez ng RPMDinc, mga malalaking pangalan, kila­lang political families, mga bata at incumbent ang ‘top choice’ ng mga botante.

Sa Makati ay nakakuha ng 67% si Abigail Binay; Toby Tiangco (66%) sa Navotas City, Imelda Calixto-Rubiano (71%) sa Pasay City; Lino Cayetano (70%) sa Taguig City;, Bobby Eusebio (68%) sa Pasig City.

Sa Maynila si dating Vice Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay nakakuha ng 47 percent. Si incumbent Mayor Erap Estrada ay 30 percent habang si dating Mayor Alfredo Lim ay 15 percent.

Sa Taguig City, si ex-Rep. Lino Cayetano, ba­yaw ni incumbent Mayor Lani Cayetano ay mahirap talunin sa botong 70 percent laban kay Congressman Arnel Cerafica na may 27 percent rating lamang.

Napanatili naman ni Pasig City Mayor Roberto “Bobby” Eusebio ang kanyang strong lead na 68 percent laban kay City Councilor Vico Sotto, na anak ng television host na si Vic Sotto, na nakakuha ng 29 percent.

Nanguna rin sa survey si dating San Juan Vice Mayor Francis Zamora na may 55 porsiyento na ngayon, laban sa 43 porsi­yento lamang ni Vice Mayor Janella Estrada.

Sa lungsod naman ng Mandaluyong, Malabon, Caloocan, Las Piñas, Marikina, Valenzuela, Parañaque at Muntinlupa, ang mga incumbent candidates ay mistulang nakakatiyak na ng panibagong termino, kabilang sina Mayor Menchie Abalos na may 97%, Mayor Lenlen Oreta na may 65%, Mayor Oca Malapitan (95%), Mayor Mel Aguilar (92%), Mayor Marcelino Teodoro (96%), Mayor Rex ­Gatchalian (94%), Mayor Edwin Olivarez (57%) at Mayor Jaime Fresnedi (58%).

JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with