9 na lugar limang araw na walang tubig sa Semana Santa
MANILA, Philippines — Tatagal ng 5 oras hanggang 30 oras sa loob ng limang araw mawawalan ng suplay ng tubig ang mga kustomer ng Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) mula April 16 (Holy Tuesday) hanggang (Black Saturday) April 20 sa Maynila, Malabon, Navotas, Valenzuela, Quezon City, Parañaque, Pasay, Las Piñas, at Bacoor City sa lalawigan ng Cavite.
Ayon sa Maynilad, ang pagkawala ng suplay ng tubig sa naturang mga lugar ay dahil sa gagawing ibat ibang water network enhancement activities kabilang na ang facility maintenance works, pipe decommissioning, pipe interconnections, at valve replacement upang higit na mapabuti ang water service sa nabanggit na lugar.
Minarapat ng Maynilad na gawin ang naturang mga aktibidad sa Holy Week na kalimitan ay umaalis ng kanilang bahay ang mga residente kayat hindi gaanong mararamdaman ang epekto ng water interruptions.
Niliwanag ng Maynilad na ang tagal ng service interruptions ay depende sa lugar kaya’t hinikayat ang mga apektadong customers na mag-ipon na agad ng tubig upang may magamit sa panahon ng water interruptions.
- Latest