^

Police Metro

2 parak timbog sa kotong

Joy Cantos, Doris Franche-Borja - Pang-masa
2 parak timbog sa kotong
Inaresto ng Manila Police District si PO1 Arnel Pastrana ng NPD-District traffic sector sa pangongotong sa mga truck driver na pumaparada sa kahabaan ng Road 10, Tondo Maynila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang inaresto sa pangongotong ng kanilang mga kabaro sa magkahiwalay na entrapment operation sa Taguig City at Maynila.

Inaresto ng pinagsanib na elemento ng PNP-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) at PNP-Intelligence Group (PNP-IG) si P/Corporal Rommel Enrico, nakatalaga sa Bureau of Immigration and Deportation (BID) kamakalawa ng hapon sa gate ng himpilan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Bicutan, Taguig City.

Sa ulat, bandang alas-12:30 ng hapon nang arestuhin ng mga operatiba si Enrico sa aktong tinatanggap ang P200,000.00  mula sa nagrereklamong biktima na nagpatago  pangalang Shiela.

Sa reklamo ni Shiela  ng Brgy. Almanza Uno, Las Piñas City, hini­ngan siya ni Enrico ng P200,000.00 lagay kapalit ng pagpapabilis ng pagproproseso umano ng paglaya ng kaniyang Koreanong mister na si Kook Jin Chung na nakaditine sa detention facility ng BID dahil sa overstaying sa bansa kaya inaresto.

Sa Tondo, Maynila, ilang minuto ang naging habulan bago naaresto ang suspek na si Patrolman Arnel Pastrana Agustin, 35, nakatalaga sa NPD Traffic Enforcement Unit dahil sa pagtanggap ng P50 na kotong ng “par­king fees”sa mga truck drivers kahapon ng alas-7:00 ng umaga.

Ayon  kay Police Corporal Jed Magat, ng MDTEU, pinaalam umano ng truck driver na si Rico Aleon na sila ay pinuntahan ng suspek na inakala nilang pulis Maynila at komo­lekta ng P50 para payagan na makapanatili sa lugar.

Hinabol ang suspek hanggang sa makorner at mahuli at nakumpiska ang isang .45 kalibre na may walong bala at isang butterfly knife.

KOTONG COPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with