PH-US Balikatan 2019, simula na bukas

Ayon kay Lt. Commander Liz Vidallon, Public Information Officer ng PH-US Balikatan 35-2019, gaganapin ang opening ceremony ng joint military exercises ng dalawang magkaalyadong bansa bukas sa Tejeros Hall sa Camp Aguinaldo.
Philstar.com/Efigenio Toledo IV

MANILA, Philippines — Magsisimula na bukas ang PH-US Balikatan 2019 joint military exercises na idaraos sa mga piling lugar sa bansa.

Ayon kay Lt. Commander Liz Vidallon, Public Information Officer ng PH-US Balikatan 35-2019, gaganapin ang opening ceremony ng joint military exercises ng dalawang magkaalyadong bansa bukas sa Tejeros Hall sa Camp Aguinaldo.

Ang military exercises ay gaganapin mula Abril 1 hanggang 12 na lalahukan ng libong sundalong Amerikano at counterparts nito sa AFP.

Samantalang isa sa mga highlights ng PH-US Balikatan ay ang live fire drill na gaganapin sa Tarlac  sa Abril 10 habang magkakaroon din ng amphibious landing exercise sa piling venue sa Zambales.

Gayundin ng urban operations, aviation operations at counter-terrorism response na pawang gaganapin sa Luzon at Palawan.

Bago ito ay nagsagawa rin ng humanitarian and civic assistance project ang dalawang magka-alyadong puwersa bilang bahagi ng naturang exercises.

Nabatid na nagkaroon ng ground breaking ceremonies sa pagkukumpuni ng mga elementary schools sa Orani, Bataan; Pangil, Laguna ; San Juan, Batangas; at health clinic sa Moncada, Tarlac na dinaluhan ng tropa ng Pilipinas, US at ang Australian forces ay nagpartisipa rin bilang mga observers.

Show comments