Pinas malabong mahulog sa ‘China Debt Trap’
MANILA, Philippines — Malabong mahulog sa tinatawag na “China Debt Trap” ang Pilipinas kaugnay sa pag-utang nito ng pera para pondohan ang Chico Dam Projects.
Ito ang nilinaw ni Finance Undersecretary Bayani Agabin na hindi ginawang colateral ang Reed Bank o Recto Bank sa pagkakautang ng bansa sa China.
Binigyan diin ni Agabin na ang sinasabi sa loan agreement na kung halimbawa na dumating ang punto na mawalan ng pambayad ang Pilipinas sa pagkakautang nito ay pwedeng ipambayad ang nakadepositong langis sa Recto Bank.
Paliwanag ni Agabin na hindi ibig sabihin na kapag magkaroon ng default sa pagbayad sa utang ay may karapatan na ang China na angkinin ang pag-aari ng Pilipinas.
Ayon kay Agabin na malinaw ang nakasaad sa batas na ang mga lupain, kagubatan at likas na yaman na pag-aari ng bansa ay hindi maaaring angkinin ng kahit anong bansa.
Sa usapin naman ng paggamit ng gas deposits bilang pambayad utang, hindi rin umano ito magiging madali dahil kailangan pang dumaan sa arbitration at isangguni sa korte rito sa Pilipinas para magkaroon ng enforcement of arbitration award.
Siniguro naman ng Department of Finance na malabong mangyari ang ganitong senaryo dahil kilala umano ang Pilipinas bilang bansa na may magandang track record pagdating sa pagbabayad ng mga foreign loans.
- Latest