Pulis na itinumba sa Edsa nasa Duterte’s List

Ayon kay Albayalde, na si Police Senior Master Sergeant Solomon Cugay ay kabilang sa mga PNP personnels na ipinalabas sa drug watchlist ni Pangulong Duterte noong 2016.
File

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief Police Director General Oscar Alba­yalde na nasa drug list ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang pulis na itinumba ng motorcycle riding in tandem kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Edsa sa San Juan City .

Ayon kay Albayalde, na si Police Senior Master Sergeant Solomon Cugay ay kabilang sa mga PNP personnels na ipinalabas  sa drug watchlist ni Pangulong  Duterte noong 2016.

Magugunita dakong alas-3:30 ng hapon ay sakay si Cugay ng kanyang Yamaha Scooter at binabaybay ang kahabaan ng EDSA Connecticut southbound lane sa San Juan City na ilang metro lamang ang layo mula sa PNP Headquarters sa Camp Crame nang ito ay pagbabarilin.

Ang biktima ay nakatalaga sa Education and Training Division ng National Capital Region Police Office (NCRPO) at akusado umano sa pagbibigay proteksyon at pagkakanlong umano sa mga drug personalities at pagre-recyle ng nakukumpiskang ilegal  na droga kung saan na-adjudicate ang kaso at  nalinis ni Cugay ang kaniyang pangalan.

Ayon kay Albayalde ay patuloy ang masusing imbestigasyon sa motibo ng pamamaslang kay Cugay.

Show comments