Big Brother nagiging cruel na!

Nakakaawa naman yung ginawa sa mga housemate ng Pinoy Big Brother na gustong mapabilang sa Adult Big 4. Pinayagan ni Big Brother na hiya-hiyain sila ng mga pinabalik lamang na evictees na parang pinagparausan sila ng galit at sama ng loob dahilan sa pagkaka-evict sa kanila.

Napili ang mga nalapastangan ng sambayanan fair and square. Ano ang karapatan ng mga evictees na isailalim sina Lou, Andre, Shawntel at mga kasama sa isang proseso na animo’y mga kriminal sila? Kawawa naman sila. And now Big Brother expects na maibabalik pa ng mga biktima ang respeto sa show at maging sa mga nakasama nila na nag-sour graping at their expense. Magpapakaplastik na lamang sila. At mukhang nag-enjoy ang mga napalayas sa PBB House sa kanilang ginawa. I’m sure maski na kapamilya nila ay hindi pabor at hiyang-hiya sa ipinagawa sa kanila ni Kuya. It was too cruel.

Tama lang na mapalabas sila dahil hindi sila nagpaka-totoo. ‘Yung sama ng loob nila at hindi magandang opinyon sa mga kapwa nila housemate ay ngayon lamang nila inilabas. Ngayon lang nakita ang totoo. Kung ganito rin ang kaganapan sa PBB sa abroad, maiintindihan pa dahil iba ang kultura nila. Pero, sa ating bansa hindi tayo nanghihiya ng kapwa in public.

Kuya, bakit mo ito pinayagan? Parang ipinabaril mo na rin sila. Ano pang kahihiyan ang kailangang pagdaanan ng mga sumasali sa PBB pala lang ma-ging artista. Tsk. Tsk. Tsk. 

Maraming artista nagpaka-generous sa Mowelfund

Matagumpay at masaya ang ginanap na 45th anniversary celebration ng Mowelfund. Bukod sa nagkaro’n ng medical at dental services, at libreng gamot, malaki ang naging pa-raffle sa mga member na in-enjoy nila dahil hindi naging maramot ang mga nag-donate ng prizes tulad nina Sen. Grace Poe, Sen. Tito Sotto at Cong. Vilma Santos. Naging masipag din ang mga namumuno ng Mowelfund na sina Pres. Boots Anson Roa Rodrigo, Chairman Marichu Perez Maceda, Gina Alajar, Rez Cortez, Fr. Larry Faraon, Julius Topacio, Jaime Balthazar, Boy Vinarao, Atty. Roderick Vera para magawang masaya ang selebrasyon. Nagkaro’n din ng groundbreaking ceremony para sa itatayong bagong building ng Mowelfund.  

Jessy kailangan ng bagong environment?

Bakit kailangang i-bash si Jessy Mendiola kung matuloy man ang paglipat niya sa GMA na itinanggi naman niya? Baka nga naman sa bago niyang bahay ay makamtan na niya ang rurok ng kasikatan na hanap niya ever since.

Hindi naman siya nagkulang ng serbisyo sa ABS-CBN. Ibinigay niya dito ang matapat niyang serbisyo pero kailangan lamang niya ng bagong kapaligiran at hanapin ang itinadhana para sa kanya. Sigurado namang maski ang nobyo niyang si Luis Manzano ay naiintindihan ang damdamin niya kaya wala itong tutol sa kung anuman ang maging kapasyahan niya kung anumang plano niya.

Show comments