MANILA, Philippines — Dahil umano sa pagbabanta ng giyera ni Moro National Liberation Front (MNLF) founding chairman Nur Misuari kapag hindi natuloy ang federalism ay tinawag na Armed Forces of the Philippines (AFP) na isip bata ito.
Ayon kay AFP spokesman, Col. Noel Detoyato, kung titingnan ang pag-iisip ni Misuari ay parang isip bata na kung hindi makuha ang gusto ay magta-tantrums at kung hindi makuha ang gusto ay makikipaggiyera na lang.
Dapat anya linawin ni Misuari kung kanino siya nagbabanta ng giyera at kung sino ang kaaway niya kung ito ba ay ang AFP, taga Basilan, o taga Jolo.
Para sa opisyal dapat pag-isipan ng maraming beses ni Misuari ang pagbabanta dahil hindi lang gobyerno ang makakalaban niya kundi pati ang mga bomoto para sa kapayapaan.
Idinagdag pa ni Detoyato na dapat din mag-isip isip ni Misuari sa kanyang mga pahayag kung nais niyang maging bahagi sa usaping pangkapayapaan.