MANILA, Philippines — Dead on the spot si SPO1 Francis Villamor, nakatalaga sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) nang ito ay pagbabarilin ng isang lalaki habang lumalabas sa Hall of Justice sa Danao City, Cebu, kahapon ng umaga dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan partikular na sa kaniyang ulo. Habang nasugatan sa ligaw na bala sina Angelisa Batidor, 64; at Gina Arong.
Sa report ng Danao City Police, bandang alas-12:00 ng tanghali habang palabas na ang biktima sa Danao City Regional Trial Court matapos na dumalo sa paglilitis ng kaso nang siya ay pagbabarilin ng isang lalaki na nag-aabang sa kanyang paglabas habang ang isa ay nagsilbing backup. pinagbabaril ng nag-aabang na gunman habang ang isa pa ay nagsilbing backup.
Sinamantala naman ng mga suspek sa pagtakas ang pagkakagulo ng mga tao sa Hall of Justice.
Ang biktima ay dating nakatalaga sa Provincial Intelligence Branch (PIB) ng Cebu Provincial Police Office (PPO).