Tayabas police chief, 3 pa sinibak

MANILA, Philippines — Kaugnay ng kaso ng pagkakapatay sa shootout sa anak ng mayor ng Sariaya, Quezon ay sinibak na kahapon ni Quezon Police Provincial Office (PPO) Director Police Colonel Osmundo de Guzman ang hepe ng Tayabas City Police na si P/Lt. Col. Joseph Laygo at tatlo pa nitong tauhan na sina Police Staff Sergeant ( PO3) Christopher John Siman, Patrolman Perry Malabaguio at Patrolman William Ricamonte.
Magugunita na noong Huwebes ay napatay ang riding in tandem na umano’y mga holdaper sa isang gasoline station sa Tayabas City na pinaputukan ang isa sa mga crew pero hindi naman ito tinamaan.
Agad na inireport sa Tayabas City Police Station na agad nagresponde at nakabarilan ang mga suspek na ikinasawi ng mga ito. Kinabukasan ay natukoy ang isa sa mga nasawi ay si Christian Gayeta, 21-anyos, ang anak na lalaki ni Sariaya Mayor Marcelo Gayeta.
Tiniyak ni De Guzman na magiging patas ang pagsisiyasat at walang magaganap na coverup.
- Latest