Dalagita ni-rape/slay

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-6:00 ng umaga kahapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Christine Lee Silawan na walang pang-ibabang saplot sa katawan at binalatan ang mukha sa isang bakanteng lote sa Sitio Mahayahay, Brgy. Bangkal.
File

Mukha binalatan

MANILA, Philippines — Isang 16-anyos na dalagita na kolektor ng simbahan ang ginahasa at pinatay ng hindi pa kilalang suspek na hindi pa nakuntento ay bina­latan pa ang mukha nito naganap sa Brgy. Bangkal, Lapu-Lapu City.

 Sa ulat ng pulisya, bandang alas-6:00 ng umaga kahapon nang madiskubre ang bangkay ng biktimang si Christine Lee Silawan na walang pang-ibabang saplot sa katawan at binalatan ang mukha sa isang bakanteng lote sa Sitio Mahayahay, Brgy. Bangkal.

Nabatid na ang biktima ay isang Grade 9 student sa Maribago Natio­nal High School, residente ng Brgy. Mactan, Lapu-Lapu City ay nagsisilbing kolektor sa Sacred Hearth Parish Church.

Huling nakitang buhay ang biktima nang kanyang mga magulang dakong alas-6:00 ng gabi nitong Linggo na nagpaalam na tutulong sa simbahan sa pangongo­lekta ng abuloy ng mga deboto.

Nabigong makauwi ng kanilang bahay ang biktima hanggang kinaumagahan ay natagpuan ang bangkay.

Kasalukuyan nang sinusuri ng mga otoridad ang closed circuit television sa lugar upang alamin kung may kasama ang dalagita habang nag­lalakad bago naganap ang krimen.

Show comments