MANILA, Philippines — Isang miyembro ng Quezon City Police District na si SPO1 Winefer Maranon Molina, 42, ang inaresto ng kanyang kabaro habang natutulog matapos ang ilegal na pagpapaputok ng kanyang baril kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.
Nabatid na rumesponde ang Calabash Police Community Precinct (PCP) sa tawag ng concerned citizen sa 911 na may nagpaputok ng baril sa erya ng Josefina St, Sampaloc Barangay 530, Zone 52.
Natukoy na ang alingawngaw ay nagmula sa NMC Building na pag-aari ni Napoleon Cruz, kung saan nakipag-ugnayan ang mga pulis at sa silid ni Molina ay nakitang nakakabit pa ang susi sa door knob kaya nila napasok.