MANILA, Philippines — Ginamit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang veto power sa enrolled bill na Senate Bill No.1477 at House Bill No.8239 na pinamagatang “An Act Promoting Positive and Non-Violent Discipline, Protecting Children from Physical, Humiliating or Degrading Acts as a Form of Punishment and Approproating Funds Therefor o anti-palo bill nang ito ay hindi niya lagdaan.
Sa ilalim ng nasabing panukalang batas na akda ni Sen. Risa Hontiveros ay tinatanggal ang karapatan ng mga magulang na gamitin nito kung sa palagay nila ay nararapat sa pagdisiplina sa kanilang mga anak.
Naniniwala ang Pangulo na sapat na ang Family Code of the Philippines, Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Act of 1992, gayundin ang Presidential Decree 603 or the Child and Youth Welfare Code and RA 9262 at ang Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004 para mabigyan ng kaukulang proteksiyon ang mga bata kontra pagmamalupit kaya hindi na kailangan ang panibagong batas hinggil dito tulad ng nasabing anti-palo bill.