MANILA, Philippines — “Iyong mga Chinese dito hayaan mo ‘yan na dito magtrabaho”.
Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa hindi niya kayang sabihin sa mga ito na umalis sa bansa gayung mayroon 300,000 Pinoy ang nagtatrabaho sa China.
Nag-isyu ang DOLE ng halos 52,000 alien employment permits para sa mga workers mula China.
Sa naganap kamakailan na Senate hearing ay inihayag ng mga labor officials na pumasok sa bansa ang mga Chinese gamit ang tourist visas bago makakuha ng short-term permits na magtrabaho sa online gaming firms. Inamin din ng mga ito na mahigit sa 119,000 turista karamihan ay mga Chinese na hindi sumusunod sa labor regulations ng bansa.
Noong Enero, ay nagpahayag si dating pangulong Benigno Aquino III ang pagdating ng mga Chinese workers sa bansa na posibleng maagawan ng mga trabaho ang mga Pinoy.
Agad naman kinontra ng Malacañang ang pangamba ni Aquino hanggang ang mga pumapasok na Chinese workers ay hindi gumagawa ng illegal at ang kakulangan ng Pinoy workers ay dahil sa mas pinipili ng mga ito na magtrabaho sa ibang bansa.
Noong Nobyembre ay nagbabala si Pangulong Duterte na dapat maging maingat ang pamahalaan sa pagpapa-deport sa mga Chinese workers dahil ang Pilipinas ay nagpapadala din ng mga trabahador sa China.
“Yes, they (illegal Chinese workers) should be deported. But in the same manner, you should be careful because when you point to the Chinese you also point yourself at us. There are so many thousands of Filipinos working there or went inside China as tourists and working there,” pahayag ni Duterte sa mga reporter sa Bohol noong Nov. 27.