40% ng NPA rebels bakla!-Duterte
MANILA, Philippines — “40 percent ng mga sundalo ng New People’s Army (NPA) ay mga bakla”.
Ito ang naging akusasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa NPA sa isinagawang campaign rally ng PDP-Laban sa Biñan, Laguna.
Pinagtataka ni Duterte na kapag may bihag na sundalo ang mga NPA ay nais nilang si Baste ang pagbigyan ng mga bihag.
“Pero hindi siya kumukuha ng kasama ng anak ko, ni Baste doon sa bukid. Alam mo kung bakit? Hoy, mga ate ganito ‘yan eh. Alam ba ninyo 40 percent ng NPA ngayon na sundalo bakla?” wika pa ng Pangulo.
“Ibig sabihin --- hindi itong sabihin mo ‘yung bakla-bakla lang na ano. I mean ano lang ‘yan eh. It’s a --- a tag. Actually, as they’re --- as natural as… Huwag lang makakita ng gwapo ang mga g***,” dagdag pa ng Pangulo.
“Sabi ko, “Bakit? Bakit ‘yung katawan mo puro ano?”Eh sabi, “Pagdating sa bukid, dinala ako ng apat na NPA doon sa niyogan. Gihalik-halikan ako tapos ‘yung lahat...” “Ah, inano ka pala. Inabuse (abuse) ka.” Sabi niya, “Oo, lahat nakahalik.” Okay ‘yan, makatikim ka rin ng halik ng bakla, mas masarap. Eh malandi ang p***,” sabi pa ni Duterte.
- Latest