MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad si Francisco Ferrer, 47 dahil sa pagdadala nito ng marijuana sa loob ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) Cubao Station, kamakalawa ng alas-4:30 ng hapon.
Sa ulat, nakita ng guwardiyang Robert Hagoot ang nasa 50 gramo ng tuyong dahon ng marijuana ni Ferrer na nakalagay sa transparent ziplock pouch na nagkakahalaga ng P6,000.
Nakakulong na Quezon City Police Station 7 ang suspek at nahaharap sa kasong possesion of illegal drugs.
Inaresto naman ng mga sekyu ang nagpakilalang ex-Army na si Christian Guzman, nasa hustong gulang, tubong Ilagan, Isabela habang pasakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Quezon City, kamakalawa ng alas-7:10 ng gabi.
Nabatid na papasakay sana ng MRT-3 sa Cubao Station ang suspek nang makita ang granada sa loob ng kanyang bag noong dumaan siya sa x-ray machine.
Sinita at pinigil ng lady guard na si Ana Mae Burlaza, pero nagpakilala ito na dati siyang sundalo at nagpupumilit na pamasok sa loob kaya’t humingi ng tulong sa mga pulis at naaresto ang suspek.