Bago ang midterm elections... 70 narco politicians papangalanan ng DILG

MANILA, Philippines — Nakahanda na ang pamunuan ng Department of Interior and Local Government (DILG) na pangalanan sa publiko ang nasa mahigit 70 narco politicians  na karamihan ay mga kandidato ngayong 2019 midterm elections.

 

Ito ang inihayag ni DILG Secretary Eduardo Año matapos bigyan siya ng go signal ni Pangulong Rodrigo Duterte na ilantad sa publiko ang mga pulitikong sangkot sa illegal drug trade.

 Ang 70 personalidad na karamihan ay mga kandidato sa lokal na posisyon sa gobyerno  kung saan tinatayang nasa 50 ang mga tumatakbo sa mayoralty race.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na ipauubaya niya sa DILG ang pag-aanunsyo sa mga pulitikong nasa narcolist na tumatakbo sa midterm elections upang magkaroon ng basehan ang mga botante na iluklok ang mga karapatdapat sa puwesto.

Una nang inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na aabot sa 93 ang mga pulitikong nasa drug list  noong nakalipas na taon.

Binigyang diin ng Kalihim na sa pamamagitan ng paglalahad sa publiko ng mga narcopolitician ay makakapagdesisyon ang mga botante na huwag iboto ang mga nasa narcolist at maging ang mga sumusuporta sa rebeldeng kilusan.

Patuloy pa rin ang validation at pagkalap ng ma-tibay na ebidensya laban sa naturang mga pulitiko

Samantalang humihingi rin ng tulong ang DILG sa mamamayan na tumulong sa mga awtoridad  na ireport ang mga narco politicians.

Humihingi sila ng tulong sa mamamayan para makakalap ng matibay na ebidensya laban sa mga tiwaling kandidato upang mapigilan ang pamamayag­pag ng ille­gal na droga sa bansa.

Kaugnay nito, muli na­mang nanawagan si Año sa mga botante na huwag iboto ang mga kandidatong sumusuporta sa mga tero-ristang grupo partikular na ang mga rebeldeng New People’s Army at maging ang mga sangkot sa illegal drug trade.

Show comments