Maute terrorist sub-leader sumuko

Sa ulat ni Captain Clint Antipala, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID) na bandang alas -10:00 ng umaga nang sumuko sa mga elemento ng Army’s 49th Infantry Battalion (IB) ang suspek.
AP/Bullit Marquez

MANILA, Philippines — Sumuko sa tropa ng militar ang isang Daesh Inspired (DI) Maute terrorist sub-leader na si Aloyodan Bantak alyas Ibrahim noong Martes ng umaga sa Lumba Bayabao, Lanao del Sur dahil sa hindi umano makayanan ang military pressure.

 Sa ulat ni Captain Clint Antipala, Spokesman ng Army’s 1st Infantry Division (ID) na bandang alas -10:00 ng umaga nang sumuko sa mga elemento ng Army’s 49th Infantry Battalion (IB) ang suspek.

Nabatid na si Bantak ay sangkot sa Butig siege sa Lanao del Sur at siyang recruiter ni Owaida Marohombsar group na mas kilala bilang si  Abu Dar, lider ng Maute–Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Isinurender din ni Bantak ang isang cal 5.56 MM sniper rifle, dalawang grenade launchers magazine at mga bala. Patuloy naman ang isinasagawang custodial debriefing sa sumukong suspek.

Show comments