Mga baril, bala nasabat sa NAIA

Sinusuri ng mga opisyales ng Bureau of Customs sa NAIA ang nasabat na 8 pistol (Glock 19-9MM; Heckler & Koch P2000 V3 Pistol) at 20 bala na inilagay sa dalawang kahon ng solar panel sa isang bodega sa Pasay City.
Rudy Santos

MANILA, Philippines — Nasabat ng Bureau of Customs ang nasa kalahating milyong piso halaga ng mga baril at bala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na nakalagay sa loob ng solar panel at tool cart sa isang bodega na  patungong Taiwan.

Nasamsam sa loob ng solar panel tool ang walong Glock 9mm na baril, 20 magazine at 266 na mga bala ng baril na natuklasan sa pamamagitan ng frofiling ng BOC kasunod ng xray examination sa mga shipment na idineklarang solar panel at tool cart.

Ayon kay BOC NAIA district collector Mimel Talusan na ang pag-export ng mga armas at bala na walang kaukulang permit ay isang paglabag sa Section 119A, 1400, 1113 ng Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act 10591 or Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Show comments