P90-M shabu sa tambutso

Sinabi ni Airport Customs District Collector Carmelita Talusan, nagmula ang mga kontrabando na idineklarang auto parts sa West Covina, California sa Amerika at nakapangalan sa isang Patrick Soriquez na taga-Las Piñas.
File

MANILA, Philippines — Nasamsam ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang nasa P90 milyong halaga ng shabu na nakasilid sa mga auto muffler o tambutso sa warehouse ng DHL.

Sinabi ni Airport Customs District Collector Carmelita Talusan, nagmula ang mga kontrabando na idineklarang auto parts sa West Covina, California sa Amerika at nakapangalan sa isang Patrick Soriquez na taga-Las Piñas.

Nabatid na nagduda ang Customs examiner sa bigat ng mga tambutso at nang isalang sa x-ray ay nadiskubre ang 13.1 kilo ng iligal na droga sa loob nito.

Dumating ang kargamento noong Disyembre 23, 2018 mula California USA.

Nagsagawa din ng controlled delivery ang BOC ngunit walang nag-claim sa 26 na packages.

Hinala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) naipasok ang droga mula sa Mexico sa pamamagitan ng US border at posibleng peke din ang  consignee nito.

Show comments