Tigdas outbreak ikinabahala ng WHO

Batay sa tala ng WHO, aabot lamang sa pito mula sa 10 mga bata na may edad labing pito pababa ang nabakunahan kabilang na ang bakuna kontra tigdas.

MANILA, Philippines — Masyadong nabahala ang World Health Organization (WHO) nang idineklara ng Department of Health ang tigdas outbreak sa Pilipinas.

Sinabi ni Dr. Gundo Weiler, kinatawan ng WHO sa bansa, noong isang taon pa nila binabantayan ang outbreak ng tigdas kung saan, aabot sa dalawampung libong mga pasyente na ang napaulat.

Kaya’t hindi naman ito ikinagulat ni Dr. Weiler na lumala ang kaso ng tigdas sa Pilipinas dahil sa kulang ang kumpiyansa ng mga Pilipino na tanggapin ang vaccination program.

Batay sa tala ng WHO, aabot lamang sa pito mula sa 10 mga bata na may edad labing pito pababa ang nabakunahan kabilang na ang bakuna kontra tigdas.

Sa panig naman ng DOH, ipinagmalaki ni Health Secretary Francisco Duque III na mas dumami na umano ang mga magulang na nagpupunta sa mga health centers para pabakunahan ang kanilang mga anak na resulta nang ginagawa nilang pag-iikot sa mga komunidad upang ipaunawa ang kahalagahan ng bakuna kontra sa iba’t ibang karamdaman.“

“Sa wakas yung kanilang takot doon sa mga dating isyu tungkol sa dengvaxia mukhang nawawala na. At ito naman takot sa measles ang ngayong namamayagpag kaya sila naman ay nagpapabakuna ngayon, pero nakakalungkot lang na may mamatay pa para lang maintindihan ang measles vaccine.

Show comments