MANILA, Philippines — Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Datu Ali Midtimbang Sr., kandidatong alkalde ng Talayan sa naganap na roadside bombing kahapon ng tanghali sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Tambunan 1, Talayan, Maguindanao.
Batay sa ulat, dakong alas-11:45 ng tanghali nang maganap ang insidente sa highway ng Sitio Nes, Brgy. Tambunan 1 ng bayang ito.
Bago ito ay dalawang lalaki na lulan ng magkahiwalay na motorsiklo na patungong Isulan, Sultan Kudarat ang dumating sa naturang lugar at ipinarada ang isa sa motorsiklo sa tabi ng highway at nagpanggap na bibili ng prutas sa isang makeshift store at magkaangkas na sumakay sa motorsiklo at humarurot.
Ilang saglit pa habang dumaraan ang convoy ni Midtimbang Sr. , nang biglang sumabog ang bomba may ilang metro lamang ang layo sa mga ito.