Palasyo kinontra ang Kamara sa istriktong SALN rules

Sa ilalim ng House Resolution 2467 na ­ipinagtibay sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, na kailangan ng publiko ang pagpayag ng mayorya ng mga mambabatas upang sila ay makakuha ng mga SALN.
Composite, file photo

MANILA, Philippines — Maaaring lumabag sa Saligang Batas ang istriktong panuntunan ng House of Representative sa pagbibigay ng statements of assets, liabilities, and net worth (SALN) ng mga mambatatas.

Sa ilalim ng House Resolution 2467 na ­ipinagtibay sa ilalim ng pamumuno ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, na kailangan ng publiko ang pagpayag ng mayorya ng mga mambabatas upang sila ay makakuha ng mga SALN.

Ang indibiwal na kahilingan ng SALN ng isang mambabatas ay kailangan munang isampa sa Secretary General’s Office, maliban lang sa mga sakop ng subpoena.

Kung sakali na maaprubahan ang hinihinging kopya ng SALN ay kailangan magbayad ng P300 bawat kopya nito.

Ayon naman kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang nasabing pamamaraan ay isang paglabag sa Article XI (Accountability of Public Officers) ng Konstitusyon.

Anya, nakasaad sa Article II ng Constitution na ginagarantiyahan ang karapatan ng publiko sa impormasyon at nakasaad din ito sa Republic Act No. 6713 kung saan ay dapat available sa publiko ang mga dokumentong ito.

Sinabi pa ni Panelo na hindi nakikialam ang executive branch sa internal rules and procedures ng Kongreso bilang co-equal branch, subalit ang resolusyon sa Kamara hinggil sa SALN ay ‘inconsistent’ sa policy ng transparency ng gobyerno.

Idinagdag pa ng presidential spokesman, nagpalabas ng Executive Order no, 2 (s.2016) si Pangulong Rodrigo Duterte para sa transpa­rency particular sa Freedom of Information.

Noong Enero 30 ay inaprubahan sa 2nd reading ang House resolution 2467 na akda ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang hinggil sa isyu ng SALN ng mga kongresista at empleyado ng Kamara.

Show comments