^

Police Metro

107 lokal opisyal mananagot sa Manila Bay pollution

Mer Layson - Pang-masa
107 lokal opisyal mananagot sa Manila Bay pollution
Sinabi ni Diño na matapos na mabigyan ng show cause order ay ­idedemanda na umano nila sa Office of the Ombudsman ang mga natu­rang local officials.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Natukoy ng Department of Interior and Local Government na may 107 lokal na opisyal ang dapat managot at pagkalooban ng ‘show cause orders’ kaugnay ng polusyon sa Manila Bay.

Hindi naman muna tinukoy ni DILG Undersecretary Martin Diño ang pagkakakilanlan ng mga naturang opisyales, ngunit kinabibilangan aniya ito ng mga alkalde at mga punong barangay.

Sinabi ni Diño na matapos na mabigyan ng show cause order ay ­idedemanda na umano nila sa Office of the Ombudsman ang mga natu­rang local officials.

Nabigo kasi aniya ang mga ito na ipatupad ng tama ang waste disposal laws sa mga komunidad sa paligid ng Manila Bay sa mga nakalipas na taon.

Monitoring, va­luation, validation pagkatapos picture-taking lamang aniya ang nai­sagawa sa mga nagdaang panahon, kaya’t natutuwa siyang ngayon, matapos ang monitoring ay kasunod na ang prosekusyon sa Ombudsman, dahil kailangang may managot sa kapabayaan sa Manila Bay.

MANILA BAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with