ACT-CIS partylist magbibigay ng P.5-M sa ikakaaresto ng Jolo bombers

MANILA, Philippines — Sa layuning maresolba sa madaling panahon ang may kagagawan nang pambobomba sa Our Lady of Mt. Carmel sa Jolo, Sulu noong Linggo ng umaga na ikinasawi ng 20 katao at pagkasugat ng 112 iba pa ay nag-alok ng P500,000 pabuya ang Anti-Crime and Terrorism through Community Involvement and Support (ACT-CIS) partylist sa sino mang makapagtuturo at ikadarakip ng mga bombers.

Sa isang pulong balitaan sa QC ay sinabi ni ACT-CIS party-list first nominee Eric Yap, na kaisa sila ng buong sambayanan sa pagdadalamhati sa malagim na terorismo matapos ang dalawang magkasunod na pagpapasabog ng bomba sa loob at labas ng nasabing simbahan.

Ayon kay Yap, na kinokondena ng ACT-CIS ang madugong insidente, na isang malinaw na terorismo at kaisa sila ng pamahalaan na dapat agad mapanagot at maparusahan ang mga tao na nasa likod ng karumal-dumal na gawain.

Idinagdag pa ni Yap, na prayoridad ng ACT-CIS ang pagsusulong ng mga batas na magbibigay ng pangil laban sa kriminalidad at terorismo at matapos ang madugong pambobomba sa Jolo ay mas lalo lamang tumibay ang adhikain na ipagpatuloy ang matagal na nasimulan na mga programa laban sa krimen at terorismo.

Show comments