MANILA, Philippines — Hiniling kahapon ni Senate President Vicente Sotto III ang mga botante na iboto sa 2019 elections ang pabor sa pagbaba ng age of criminal liability sa 12-anyos mula sa 15-anyos.
Mahalaga anya, ang mga pabor sa pagbaba ng age of criminal liability ang manalo sa 2019 elections kapag hindi naaprubahan ng Kongreso ngayon ang panukala.
“Yung mga kababayan natin na 85 to 90 percent na pabor doon sa gusto nating gawin... ang pinakamaganda sa mga kababayan natin, iboto ninyong senador yung mga pabor dahil tatamaan
na ng eleksyon e,” paliwanag pa ni Sotto.
Aprubado na sa 2nd reading sa Kamara ang pagbaba ng age of criminal liability sa 12-anyos pero sa Senado ay sisimulan pa lamang ang debate nito kaya baka hindi agad maaprubahan bago magtapos ang sesyon ng 17th Congress kaya dapat muling ihain ito sa susunod na Kongreso.